Wednesday, September 3, 2014

"Wika ng Pagkakaisa"

             "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda." Ito ay tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na nagbigay ng kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Wika ang pinakamagandang biyaya ng Poong Maykapal sa ating mga tao. Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ay isang himig na tinuturing na pinakamahalagang bagay saan mang lugar pagkat dahil dito nagagawa nating makipag-usap at dahil dito tayo ay nagkakaintindihan.

                   Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga Pilipino o bawat tao. Ang lahat ay nagkakaintindihan para sa isang hangarin. Isang hangarin na ang bawat isa ay nagkakaintindihan at walang nabubuong away o hindi pagkakaintindihan. Ang wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at may pagkakaisa dahil kung hindi magkakaintindihan ang bawat isa, hindi uunlad ang atng bansa at pati na rin ang ating sariling wika. Ang pagkakaroon ng iisang wika ay karangalan ng bansa. Maami nang iba't ibang wika ang natututunan ng ibang Pilipino kaya kailangan nating gamitin at pahalagahan ang ating sariling wika.


                  Ang wika ay maaaring magbago kaya dapat na ito ay patuloy na gamitin. Kapag wala ito, walang pagkakaintindihan at pagkakaunawaan ang mamamagitan.


                  Isang Wikang Filipino, Isang Bansang Pilipinas, Ipagmalaki at Magkaisa!

No comments:

Post a Comment